LRT1 nagtala ng bagong passenger record sa pista ng Quiapo

SA KABILA ng bantang terorismo at karahasan sa kapistahan ng Itim na Poong Nazareno sa Maynila ay nagdagsaan pa rin ang walong milyong deboto upang makiisa sa okasyon kahapon (Enero 9).

Sa katunayan, ayon sa tala ng Light Rail Transit Authority (LRTA), sa loob lamang ng isang araw ay 620,987 katao ang sumakay sa mga tren ng LRT line 1.

Ang nabanggit na pigura ay panibagong rekord ng bilang ng mga mananakay ng LRT sa isang araw.

Ayon kay Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA, ito na ang pinakamaraming pasahero na naitala sa kasysayan ng ‘traslacion’ o paglilipat ng Itim na Nazareno na sumakay sa LRT line 1 kahapon.

Sinabi pa ni Cabrera, na nalampasan na ang dating rekord na naitala na 597,417 pasahero.

Nabatid pa dito na ang pagkamit ng bagong record ay bunsod ng pagdagsa ng mga deboto ng Itim na Nazareno na tinaya ng awtoridad na umabot sa mahigit walong milyon.

Nauna nang pinaghandaan ng LRTA ang naturang senaryo kaya’t dinagdagan ang biyahe ng mga tren.

Tulad ng nakagawian, pinayagan din ng pamunuan ng LRTA na makasakay sa tren ang mga debotong naka-yapak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply