LTO chief pinahaharap sa impeachment ni Corona

HINILING ng prosekusyon na ma-subpoena si Land Transportation Office (LTO) Chief Virginia Torres para humarap sa impeachment court at dalhin sa hukuman ang kopya ng registration ng lahat ng mga sasakyang nakapangalan kay Chief Justice Renato at asawa nitong si Cristina.

Muli namang inaasahang uupo sa witness stand ngayong ika-pitong araw ng impeachment trial si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares para sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Article 2.

Kanina, nagharap din ng motion to withdraw request for subpoena ang prosekusyon na may may kinalaman sa unang request na ipa-subpoena ang limang bank managers kasama ang mga bank statement ng mag-asawang Corona.

Nakasaad sa kanilang mosyon na pansamantalang wini-withdraw ang request for subpoena bunga ng naunang desisyon ng impeachment court na nagsasabing pansamantalang hindi na muna papayagan ang paghaharap ng mga ebidensyang may kinalaman sa umano’y ill-gotten wealth ni Corona.

Muli na lang anila silang maghaharap ng request for subpoena sa sandaling magkaroon na ng pinal na desisyon ang hukuman sa naturang isyu.

Kabilang sana sa ipasu-subpoena ang bank documents at bank managers mula sa Bank of the Philippine Islands (BPI) Branch-Ayala, Makati; Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) Branch-Katipunan Ave, Quezon City; Philippine National Bank (PNB) Main Branch-Pasay City, Land Bank-Malate at BPI Paseo de Roxas-Makati City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply