Lumalalang kaso ng may TB sa Quezon City Jail

BALIKAN natin ang bulok na pamamahala ni Quezon City Jail Warden Supt. Joseph Vela dahil simula nang maging warden ito sa nasabing piitan ay lumala ang kasong may sakit na tuberculosis o TB. Mula kasi noong 2010 tumaas ng 15 kaso ng may TB sa piitan na ito.

Baka naman magka-epidemya o mahawa na ang lahat ng mga preso rito. Ang balita ko nga sa mga taga-QC Hall ay wala raw pinatutunguhan ang anti-TB program na tinatawag na TB-DOTS ng national government dahil patuloy na dumarami ang bilang ng mga inmate na tinatamaan ng nakamamatay na sakit na ito.

Oppss,magkano ba ang pondo para sa health programs ng mga preso?

Hoy,  ang pagiging maurirat ko ay hindi ko sinasabi na ibinubulsa ni Supt. Vela ang pondo sa health programs ng mga preso kaya lalong lumalala ang mga nagkakasakit ng TB. Ang gusto ko lang malaman ay kung alam ng bagong BJMP-NCR Director na si S/Supt.Romeo Vio ang mga nangyayaring katiwalian at kaguluhan sa QC Jail.

Alam kaya niya ang pagkakabaril sa presong si Jeffrey Abas na hanggang ngayon ay ginagamot pa sa East Avenue Medical Center dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa katawan? Hindi pa rin daw naaalis sa katawan niya ang balang tumama.

Ang balita ko ay wala raw perang panggastos sa operasyon. Oh ano ba‘yan. Hindi ata ako makapaniwala na walang perang iaabono ang opisina ni Vela o baka naman wala talagang suporta ang NCR-BJMP?

Hmmmm..

Sugalan sa Cavite hindi masugpo

Ang iligal na pasugalan sa Cavite ay patuloy na nag-o-operate.

Hindi pa rin kumikilos si PD Supt. John Bulalacao para masugpo ang talamak na operasyon ng lotteng sa Cavite.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764,09266719269 o kaya i-email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply