Lumuray sa sariling anak, 3 rapist pa tiklo

DAKIP ang isang magsasaka matapos gahasain ang sariling anak, habang tatlong bagets naman na sangkot din sa gang rape ang dinakip sa Pangasinan, sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Base sa report na ipinarating sa Camp Crame, unang inaresto sa bisa ng warrant of arrest ang suspek na si Melchor Rigon, 43, ng Matogon Labo Camarines pero pansamantalang naninirahan sa Polgosino Umingan.

Nadakip ang suspek sa pamamagitan ng pinagsanib-puwersa ng PNP Balungao Criminal Investigation and Detection Group at PNP Labo Camarines sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Rolando Bopis ng RTC Branch 64 Labo Camarinies Sur sa kaso nitong panggagahasa sa kanyang sariling anak.

Samantala sa lalawigan din ng Pangasinan ay naaresto rin ng awtoridad ang tatlong menor-de-edad na suspek sa nangyaring gang rape sa isang kinse-anyos na dalagita  noong nakaraang taon sa Lingayen.

Pawang mga edad 16 ang mga suspek na hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas sa sala ni Hon. Judge Robert Fangayen ng RTC Branch 39 sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Pinagbabayad din ang mga ito ng tig-P200,000.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development Office ang mga kabataang suspek habang hinihinaty ang commitment order para mailipat ang mga ito sa Rehabilitation Center for Youth Offender na nasa Barangay Orion, Bauang, La Union.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply