Mabibigat na testigo, ebidensya ihaharap ng prosekusyon bukas

GAYA ng kautusan ng Senate Impeachment Court, naghain na ng “opposition to memorandum” ang prosecution sa pagtutol ng depensa na tumestigo si BIR Commissioner Kim Henares sa impeachment trial.

Sa isinumiteng memorandum sa Impeachment Court, iginiit ng prosekusyon na dapat hayaan ng Senado na malantad ang mga ebidensya hinggil sa mga umano’y ill-gotten wealth ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon sa lead prosecutor na si Iloilo Rep. Niel Tupas, walang batayan ang pahayag ng depensa at tama lang na payagang humarap si Henares para ilahad ang income tax returns ni Corona.

Ikinatuwiran pa ni Tupas na naiprisinta na ang mga dokumento ng mga assets ni Corona sa ilalim ng Article 2 at ang BIR na ang magpapatunay kung nabayaran ba ang tamang buwis ang mga ari-arian ng punong mahistrado.

Hiniling na rin ng prosekusyobn na ipa-subpoena ang mga opisyal ng Housing and Land Use Regulatory Board para tumestigo laban kay Corona.

Pinahaharap ng panel si Marilou Bautista ang head ng records section ng HLURB sa National Capital Region bukas ng alas-2:00 ng hapon.

Pinadadala kay Bautista ang mga orihinal na kopya ng mga properties ni Corona kabilang na ang condominium unit sa Bellagio at Bonifacio sa Taguig,  ari-arian sa The Columns sa Ayala Avenue Makati City, Burgundy Plaza sa Katipunan Avenue sa Quezon City at ang nairehistrong ari-arian sa McKinley Hill sa Megaworld Corporations.

Hiniling na rin ng prosecution panel sa Impeachment Court na mai-subpoena ang mga opisyal ng limang bangko na hinihinalang pinaglagakan ng iba pang ari-arian ng pamilya ni Corona.

Sa apat-na-pahinang request for subpoena ng panel, hiniling nilang maipatawag ang manager ng Bank of the Philippine Islands sa Ayala Avenue branch sa Makati City, manager ng Rizal Commercial Banking Corporations sa Katipunan Avenue Branch sa Quezon City.

Kasama rin ang presidente ng Philippine National Bank sa main branch sa Diosdado Macapagal Boulevard sa Pasay City, presidente ng Landbank Branch sa Dr. Quintos St. Malate Manila at presidente ng BPI  Family Bank sa Paseo de Roxas, Dela Rosa St. sa Makati City.

Bukas din sila pinahaharap sa Impeachment Court ng prosecution at kasamang ipinadadala ang bank statements nina Corona at asawa nitong si Maria Christina mula Marso 1, 2003 hanggang sa kasalukuyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply