Mabilis na paglago ng yaman ni PNoy dapat ipaliwanag– arsobispo

DAPAT ipaliwanag ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa taumbayan ang umano’y mabilis na paglago ng kanyang mga ari-arian at kayamanan.

Ito ang hamon ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa Pangulo, kasunod nang pagsisiwalat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na halos triple ang paglago ng kayamanan ni Pangulong Aquino, na mula sa P15,440,268 noong 2009 ay umabot ito ng P54,999,370 sa taong 2010.

Kasabay nito, nagpahayag nang pagtataka si Cruz kung bakit pilit pinagpapaliwanag ni Pangulong Aquino ang ibang opisyal ng pamahalaan partikular na si Supreme Court Chief Justice Renato Corona na ilantad ang kanilang kayamanan gayong siya (Pangulo) mismo ay umiiwas dito.

Hinamon rin naman ng arsobispo ang punong ehekutibo na ipasa na ang Freedom of Information Bill kung talagang seryoso siya na masawata ang katiwalian sa bansa.

“At isa pa ang Freedom of Information bill ay ayaw niya! Di niya priority! Kung talaga siya ay pro-transparency e bakit di niya to ipasa. Hindi masyadong malinaw ang kanyang katayuan!” ani Cruz.

Sinabi pa ng arsobispo na mauunawaan naman niya kung sasabihin ng Pangulo na ang mabilis na paglaki ng kayamanan niya ay mula sa kita ng Hacienda Luisita, lalo na’t halata naman ang proteksiyon dito ng Pangulo.

Gayunman, kung iba umano ang pinagmulan ng yaman ng Pangulo ay ibang usapan na ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply