Mabubuntis darami sa evacuation centers

NAGBABALA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagdami ng mga mabubuntis sa evacuation centers kahit pa may kahirapang magtalik sa nabanggit na lugar.

Nag-aalala rin ang United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) para sa mga hindi planado at “unwanted” na pagdadalantao sa mga lungsod ng Cagayan de Oro at Iligan City na pawang sinalanta ng bagyong “Sendong.”

Dahil dito, nagpanukala ang OCHA ng S1.76 milyon upang makaagapay sa “reproductive health, gayundin ang pag-monitor, pag-iwas at pagsawata sa posibleng pagkalat ng mga sakit.

Plano rin ng DSWD na magsagawa ng family development sessions sa mga nabanggit na lugar na naapektuhan ng bagyo sa layuning paalalahanan ang evacuees na unahin ang pagbangon ng kanilang mga pamilya, bago magdagdag muli ng isa pang miyembro ng kanilang pamilya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply