Macho papa kuno!: Lead vocalist ng sikat na banda boong 90’s nagladlad na

I’M pretty much sure my BFFT Pete A. na knows na knows mo ang identity ng lead vocalist ng sikat na banda na sumikat nu’ng 90’s na blind item natin today rito sa Walang Kiyeme. Noong nasa DZAM pa tayo ay naging guest natin ang popular band na ito na kinabibilangan nga ng hindi naman kaguwapohang bokalista pero macho papa naman ang dating sa atin.

Pero alam mo ba amigang Pete na nagladlad na ang singer na ito at ang paboritong hang-out ngayon ay ang isang bar sa may bandang Mabini na guwaping ang mga hosto. Lahat nga ay nagugulat tuwing nagpupunta roon si lead vocalist kasi hindi sukat-akalain ng mga ito na berde pala ang dugo ng hinahangaan nilang artist hanggang ngayon dahil classic na nga ang mga kanta ng band na ‘to na pinapatugtog pa rin sa radio hanggang ngayon.

Hirit pa ng aming source, bukod sa paglalandi nito ay may ka-steady pang papa si badilyang mang-aawit. Kalandi gyud!

***

2012 taon ng maganda at mahusay na young actress na si Maja Salvador

SA January 25 pa nakatakdang ipalabas sa isang daang sinehan nationwide ang latest movie ni Maja Salvador na “My Cactus Heart” kung saan isa sa ka-partner nito ay ang real boyfriend na si Matteo Guidicelli, along with the hottest hunk/drama actor Xian Lim.

Malakas ang vibes namin na maghi-hit ang pelikulang ito dahil alam nyo naman tayong mga Pinoy pagdating sa mga ganitong love story ay talagang tinatangkilik natin. At malaking factor kung bakit panonoorin ito ay dahil sa cute na trailer kung saan ipinakita talaga ni Maja ang kanyang pagiging versatile actress na hindi lang siya dramatic actress kundi comedienne rin. At abs kung abs sina Matteo at Xian rito kaya’t capture na nila ang gay audience.

Pagdating naman sa director ng film na ito na si Enrico Santos, kahit na pangalawang project palang niya ito, may napatunayan na siya sa “Cinco” na isa sa blockbuster movies ng Star Cinema last year. At ang base sa full-trailer ng My Cactus Heart, masasabi naming puwede ng i-level si Direk Enrico sa mga sikat at di-kalibre nating mga director.

Ka-join rin sa casts ng Maja starrer na ito sina Rosanna Roces, Ricky Davao, Bettina Carlos, Lemuel Pelayo at title roler sa “Angelito Ang Batang Ama” na si JM de Guzman. Ang pinakamatinik na love story movie na ito ay hatid sa lahat ng Star Cinema.

Ngayong 2012 masasabing taon ito ng maganda at mahusay na young-actress (Maja) dahil aside sa My Cactus Heart, may bagong TV project siya, ang pagbabalik ng PHR o Precious Hearts Romances titled “Lumayo Ka Man Sa Akin” na mula sa classic hit song ni Rodel Naval (SLN).

Dalawa bale ang love interest dito ni Maja – si Jason Abalos at ang nagbabalik Kapamilya na si Patrick Garcia. Sundan sa PHR ang buhay ni Janine del Castillo (Maja), isang dalagang nanganganib na ulitin ang kasalanang nagawa ng inang si Consuelo (Ina Raymundo) sa pagpili nito sa dalawang magkaibang landas ng pag-ibig. Masasabing na kay Janine na ang lahat – maganda, matalino, mula sa mayamang pamilya at may guwapo at kasing-yaman ding mapapangasawa na si Matthew De Vega as portrayed by Patrick Garcia.

Ikinukubli sa karangyaang ito ang kakulangan sa kanyang pagkatao dala ng walang nakagisnang ina. Mababago ang lahat ng aminin ng amang si Maurice (Ariel Rivera) ang katotohanang siya ay bunga ng kataksilan ng kanyang ina.

Ang Precious Hearts Romances ang kaisa-isang Asian telenovela na nakakuha ng nominasyon sa pretigious na International Emmy Awards nitong 2011. Mapapanood n’yo ang Lumayo Ka Man Sa Akin sa Kapamilya Gold simula January 23 (Lunes) pagkatapos ng “Pinoy Big Brother Unliday” sa ABS-CBN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply