Mag-asawang negosyante patay sa pananambang

NAPATAY ang  mag-asawa makaraan tambangan kaninang umaga sa lungsod ng Cotabato.

Kinilala ang mga biktima na sina Muddin Abu Kali at asawang si Racma Kali, residente ng Barangay Poblacion 8 at kilala sa pagiging negosyante.

Batay sa paunang ulat ng pulisya, nakasakay sa kanilang motorsiklo ang mga biktima galing ng palengke at pauwi na sana sa kanilang tahanan nang tambangan ng hindi kilalang mga suspek sa Barangay Rosary Heights VI sa lungsod.

Sa insidente, agad na namatay ang mag-asawang negosyante. Iniimbestigahan pa kung natangay ang malaking halaga ng salaping dala-dala ng mga biktima.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya ang nagnap na pananambang. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply