Mag-asawang Ligot naghain ng not guilty plea

NAGHAIN ng not guilty plea ang mag-asawang sina dating Armed Forces of the Philippines  (AFP) Comptroller Retired General Jacinto Ligot at asawa nitong si Erlinda sa ginanap arraignment sa 2nd division ng Court of Tax Appeals.

Kaugnay ito ng kinakaharap na P153 milyong tax evasion case para sa taong 2003 na isinampa laban sa kanila.

Ayon sa legal counsel ng mag-asawa na si Atty. Emiliano Bantog, walang basehan ang mga isinampang kaso laban sa kaniyang mga kliyente.

Ngayong hapon, isasagawa naman ang arraignment sa tax evasion case pa rin para sa taong 2001, 2002 at 2004 kung saan maghahain din umano ng not guilty ang mag-asawang Ligot.

Nasa mahigit P400 milyon ang kinakaharap na tax evasion case ng mag-asawang Ligot sa loob ng apat na taon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply