Mag-asawang Tsinoy tinadtad ng saksak

PATAY ang mag-asawang negosyanteng Intsik matapos holdapin ng apat na ‘di nakilalang mga suspek kaninang umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang mga biktimang sina Calvin Chua, 33, at asawang si Charlene Chua, residente ng Yakal st., Sta.Cruz, Maynila sanhi ng tinamong tama ng saksak sa katawan.

Inabandona naman ang 4-anyos na anak ng mga biktima sa Anacleto at Alvarez st.sa nasabing lugar. Sugatan naman ang yaya ng mga biktima.

Nabatid na dakong alas-6:00 ng umaga nang mamataan ang apat na ‘di nakilalang suspek na nagtungo sa laundry shop ng mga biktima.

Ayon sa pulisya, posible umanong matindi ang galit ng mga suspek sa mga biktima dahil sa dami ng saksak na ibinaon sa katawan ng mag-asawang Intsik.

Narekober naman ang sasakayan ng mga biktima na Toyota Corolla na kulay puti na inabandona ng mga suspek matapos nilang tangayin kasama ang batang biktima.

Habang isinusulat ang balitang ito ay kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply