Mag-ingat sa ‘budol-budol’ gumagala sa Cavite

HI, mga friend. Nabiktima na ba kayo ng mga ‘Budol-budol Gang?’

Kung hindi pa, ‘wag niyo nang pangarapin pang  mabiktima kayo nito. Bakit kanyo?

Aba’y pag nabiktima kayo ng grupong ito, tiyak malalapnos ang buong kabuhayan ninyo.

Gaya na lang itong gumagalang ‘Budol-Budol Gang’ sa Cavite na bumiktima sa isang pilantropong negosyante ng Ebasa St., San Antonio, Cavite City.

Hindi sukat akalain ni Yolly Camantique na ang pagiging palakaibigan niya ang magpapahamak sa kanya.

Noong Dec. 19, 2011, habang naglalakad at papaalis siya ng kanilang bahay ay bigla siyang pinarahan ng isang kulay pulang kotse na sakay ng grupo ng ‘Budol-budol.’

Nagpakilala silang Cristy Abad at Joel Abad (mag-asawa) at isang alyas Merly Ang.

Tinawag ng grupo na ‘Tita’ si Aling Yolly.

Tinanong ng mga taran-tadong manggagantso kung saan pupunta si Camantique.

Niyaya siya ng mga suspek na sumakay na lamang sa kanilang kotse at ihahatid na lamang siya sa kanyang pupuntahan.

Kaagad namang nagtiwala ang una sa mga suspek sa pag-aakalang mabubuting tao ang mga ito.

Sa sasakyan pa lamang daw ay inaalok na ng mga suspek ang biktima na kanilang bibilhin ang mga mamahaling alahas na suot niya sa halagang P50,000. Sa show money na ipinakita ng mga suspek sa biktima ay nasa ibabaw ng mga nakabalunbong diaryo ang P1,000 bill.

Sa pag-aakala ng biktima na P50K ang ipinakitang show money ay kaagad niyang ibinigay sa mga suspek ang mga alahas niya.

Pero ang masakit, pagkahiwalay nila ng mga suspek, nang tingnan niya ang laman ng pinaglagyan na show money sa clutch bag ay nakita niya na puro diaryo lang pala ang laman nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply