Magkalaguyo huling nagse-sex sa banyo ng resto

NAAKTUHANG nagtatalik ang isang ginang at ang kalaguyo nito sa loob mismo ng banyo ng isang restaurant sa Iloilo City kaninang umaga.

Ipinagharap ng kasong grave scandal ang mga suspek na ang lalaki ay nagpakilalang kapatid ng isang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Bacolod City habang ang babae naman ay isang empleyada na may pananagutan na sa buhay.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang malaswang eksena sa loob ng isang kilalang restaurant na nasa Huervana, Lapaz, Iloilo City.

Ayon kay P01 Allain Selda, ng Lapaz police station, bago ito ay nakarating sa security guard ng nasabing restaurant na si Mercurio Barle na sa hindi malamang dahilan ay humaba ang pila sa kanilang comfort room.

Tawag ng tungkulin, ipinagbigay alam ni Barle ang kaguluhan sa kanilang officer in charge na si Rowel Apurga.

Sa pag-aakalang aksidenteng nasarhan lamang ng pintuan ang nasa loob ay kinuha nito ang susi at binuksan agad ang nakasarang pintuan ng banyo.

Pero nang pumasok si Apurga sa loob ng banyo, nakarinig siya ng mga halinghing at nang buksan ang isa sa pintuan ay nakita niyang paupo na magkapatong ang magkaluguyo sa inidoro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply