Magkalaguyong kapitan, kagawad huli sa motel

KULONG ang isang misis nang mabuking ng kanyang mister habang kasama ang kalaguyo sa loob ng silid ng isang lodging house sa Baguio City.

Ang nasabing magkalaguyo ay 77-anyos na barangay chairman at 53-anyos na babaeng barangay kagawad sa nasabing lungsod.

Ayon sa nagreklamong mister, matagal na niyang minamanmanan ang misis dahil sa mga kakaiba umanong kilos kaya naghinala ito na may ibang ginagawa ang kanyang esposa.

Dahil dito, sinundan ni mister ang kanyang misis na nagtungo sa isang lodging house sa Gen. Luna road sa Baguio City at tinanong kung saang silid nag-check in kasama ang kalaguyo.

Gayunpaman, nang matunton ang silid ay walang nagbubukas sa pintuan kung kaya’t inakyat na lamang ni mister ang maliit na bintana ng kuwarto.

Dito na naaktuhan ng mister ang kababalaghang ginagawa ng misis niyang barangay kagawad kasama ang mismong kapitan ng barangay.

Agad namang nagpasaklolo ang mister sa mga staff ng lodge at barangay officials at dinala ang magkalaguyo sa himpilan ng pulisya at agad na sinampahan ng kasong adultery.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply