Magkapatid kinuyog: 1 patay, 1 sugatan

TIGBAK ang isang binata habang  kritikal naman ang  kapatid nito nang  kuyugin at pagsasaksakin  ang una ng  hindi pa batid na grupo ng kalalakihan matapos  harangin ang kinalulunanang motorsiklo ng mga ito kaninang madaling-araw sa Brgy. Marulas, Valenzuela City.

Dead on arrival sa Fatima Medical Center  sanhi ng mga tinamongn saksak sa iba’t ibang parte ng katawan si Omar Samia, 29, habang nakaratay at ginagamot din sa nasabing pagamutan ang nakababatang kapatid nitong si Jeffrey, 24.

Mabilis na tumakas ang hindi pa batid na grupo ng mga salarin dala ang ginamit na patalim matapos maisagawa ang krimen.

Batay sa pinagsanib na imbestigasyon nina P02 Michael Oxina at P02 Jesefino Pagtama ng Station Investigation Division (SID) ng Valenzuela police, dakong alas-2:10 kaninang madaling-araw nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Nabatid na galing sa lugawan ang magkapatid sakay ng motorsiklo na may plakang 7315-TQ at habang binabagtas nito ang Jacinto st. ay hinarang ng mg suspek.

Pumalag umano si Omar  na humantong sa mainitang pagtatalo. Dito na kinuyog ang mga biktima ng mga salarin at sabay-sabay nagbunot ng patalim aang mga ito.

Agad dinala ang mga duguang biktima sa nasabing pagamutan subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng buhay

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para  alamin ang tunay na motibo sa naganap na krimen habang isang manhunt operation ang ikinasa ng mga pulis para sa agarang pagkakakilanlan sa mga salarin. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply