Magkapatid na pusher arestado ng PDEA

ARESTADO ang isang magkapatid sa magkakasunod na buy bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Baguio City sa ulat ng pulisya.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., ang magkapatid na sina Derick Bambico, 37 at Franklin, 29 ay kapwa residente ng Lourdes Mirador, Baguio City ay nasa order of battle ng PDEA dahil sa pagtutulak ng shabu.

Ayon pa kay Gutierrez, ang Bambico brothers ay kabilang sa top five ng Cordillera’s most wanted drug personalities.

Nadakip ng operatiba ng PDEA-Cordillera Administrative Region (CAR) si Derick bandang alas 4:00 ng hapon habang ibinebenta ang isang sachet ng shabu sa undercover PDEA agent sa Elisorio Street, Pacdal, Baguio City.

Nakuha rin sa pag-iingat nito ang isang mobile phone at P1,000 marked money na ginamit sa buy-bust.

Makalipas ang apat na oras ay nasakote rin ng PDEA sa isinagawang entrapment operation sa KM. 2, Barangay San Luis Street, Baguio City ang nakababata nitong kapatid na si Franklin, at kasamang si Jake Reyes, 23, ng 128 Siapno Road, Baguio City.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs), Article II of Republic Act 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang nakapiiit sa detention facility  sa PDEA-CAR.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply