Magkapatid niluray ng malupit na amain

DALAWANG menor-de-edad ang halinhinang ginahasa ng kanilang malupit na amain, kinakasama ng kanilang ina sa Pio Duran, Albay, sa ulat ng pulisya.

Sa report na ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Albay PNP, nadiskubre na maliban pala sa araw-araw na pananakit ng suspek na kinakasama ay ilang beses din  nitong pinagsamantalahan ang trese-anyos na biktima at maging ang isa pa nitong kapatid na babae.

Nabataid na nabulgar lamang ang panghahalay ng suspek na si Joji Serinio, 50, ng Pio Duran Albay sa mga biktima matapos ipaaresto ng DSWD at PNP dahil sa kasong brutality o child abuse.

Una rito, nagkaroon ng pagkakataon na mahuli sa aktong sinasaktan ng suspek ang dalagitang anak ng kanyang ka live-in sa paaralan para lamang muling saktan at pagsabihan.

Subalit, matapos maipahuli ang suspek, nadiskubre rin ng mga tauhan ng DSWD na maliban sa pananakit, ilang beses ding ginahasa ng suspek ang dalagita.

Sa report ni  Piuduran PNP chief chief of police P/Chief Insp Mauro Taytay, lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na positibong pinagmamalupitan ng suspek ang dalagita at ilang beses rin na pinagsamantalahan.

Samantala, iniimbestigahan din ng awtoridad ang sumbong na maging ang kapatid nito ay ilang beses rin na naging biktima ng kanilang itinuturing na pangalawang ama.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply