Maglolo tusta sa sunog sa Butuan City

NASAWI ang isang lolo at 3-anyos na apo nito makaraang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Sampaguita st. St. Joseph Subd., Butuan City.

Sunog na sunog at hindi na makilala ang bangkay ng batang si Christian Hinayon nang madiskubre ng mga bumbero, habang sa banyo ng bahay natagpuan ang mga labi ng kanyang lolong si Nicanor Barutac, 56.

Nabatid na natutulog ang mag-lolo nang sumiklab ang apoy at kaagad na nilamon ang kanilang bahay na gawa lamang sa light materials.

Nadamay din sa sunog ang bahay ng pamilya Cinco.

Hinihinalang ilegal na koneksyon ng kuryente o naiwang nakasinding gasera ang pinagmulan ng sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply