Magre-recruit ng OFWs pa-Syria malalagot sa Dole

BINALAAN ngayon ng Department of Labor and Employment (Dole) ang mga employment agency na papatawan sila parusa kapag nag-recruit ng mga overseas Filipino worker (OFW) para ipadala sa Syria.

Ayon kay Employment Spokesperson Nikon Fameronag, kinukumpirma na nila ang balitang may mga recruiter pa ring nagpapadala ng mga OFW sa Syria sa kabila nang ipinatutupad na deployment ban doon dahil sa tumitinding kaguluhan.

Sinabi ni Fameronag na nakikipagtulungan na sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para papanagutin ang mga recruiter na lumalabag sa deployment ban.

Umapela naman ang Dole sa mga Pinoy sa Syria na huwag nang magmatigas at sumunod na sa ipinatutupad na mandatory repatriation ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang buhay at ligtas na makauwi sa Pinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply