Magsasaka ng Hacienda Luisita sumugod sa DAR

BITBIT ang iba’t ibang uri ng prutas at produktong agricultural tulad ng kamote, pinya, saging at iba pa, isa-isang sumugod sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform sa Elliptical Road, sa Quezon City ang ilang miyembro ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Hacienda Luisita sa Tarlac.

Layunin ng pagkilos ng naturang grupo na pinangunahan ng Grupo ng Tunay na Repormang Agraryo at Kilusang Mayo Uno na igiit sa pamahalaan sa pamamagitan ng ahensiya na ipawalang-bisa ang 15 taong land use conversion order na inisyu sa Hacienda Luisita Incorporated.

Batay sa 22-pahinang petisyon na inihain sa DAR, iginiit ni Danilo Ramos, secretary general ng KMU, na panahon na para tuluyang ipamahagi sa mga magsasaka ang 500 ektaryang lupain na pag-aari ng pamilya ni Pangulong Benigno Aquino III.

Una nang nagpalabas ng desisyon ang Korte Suprema na nag-uutos sa DAR na ipamahagi ang lupa subalit hanggang ngayon ay hindi pa ito tuluyang napapasakamay ng mga benipisyaryong magsasaka.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply