Magsasaka ng Luisita binalaan vs pekeng tauhan ng DAR

BINALAAN ngayon ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita na mag-ingat sa mga naglipanang tao na nagpapakilalang tauhan ng ahensiya.

Ang pahayag ay ginawa ni Agrarian Reform Secretary Gil de los Reyes matapos na makatanggap ng mga ulat na may mga taong magsasamantala at magkukunwaring tauhan ng DAR para magsagawa ng survey at pagtatalaga ng farmlots sa mga magsasakang benepisyaryo ng lupa sa Hacienda Luisita sa Tarlac.

“We have authorized nobody to act for DAR. Only the DAR will determine who the farmer-beneficiaries are and which farmlots will be assigned to each of them,” pahayag ni De los Reyes.

Una nang nagsagawa ng seminar ang mga tauhan ng DAR sa may sampung barangay sa Hacienda Luisita upang ipaliwanag sa mga benepisyaryo ang desisyon ng Korte Suprema sa pamamahagi ng lupa at ang kaukulang batas na sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) para matiyak na wala ng magiging problema sa pamamahagi sa kanila ng lupa kapag nagpalabas na ng pinal na desisyon ang Korte Suprema.

Sa seminar, naipamahagi rin sa mga benepisyaryo ang mga cell number at iba pang landlines ng mga opisyal ng DAR para sa mga katanungan at interes ng mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply