Mahiwaga ang relasyon nina Asiong Salonga at ng Mayor ng Preso…

MAHUSAY na pelikula ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story dahil ginastusan ito at idinirek ni Tikoy Aguiluz bagama’t ayaw n’ya sanang malagay ang kanyang pa- ngalan bilang direktor ng pelikula. (Gusto na niya Dhan. Okay na sila ni GOV. ER – Ed) Galing talaga ang pagkakaprodyus ng pelikula na ang setting ay late 1940s (1951 nung napatay si Asiong sa edad na 27). Black-and-white ang pelikula para maipadama ang panahon ni Asiong Salonga. Sa malaking screen ng Gateway Cinema sa Cubao kung saan kami nanood, at dahil na rin sa makabagong teknolohiya, napakalinaw ng cinema- tography ng pelikula kaya’t kitang-kita pati detalye ng mga damit nung 1940s.

Sensurround na Dolby ang projection ng sound at music sa sinehan kaya buhay na bu- hay ang mga tunog, tinig, at musika ng pelikula.

Pang-award din ang production design para sa mga kasuotan, props, gamit sa bahay, mga sasakyan, pati na mga make-up, at ayos ng buhok.

Tiyak na alam n’yo nang si Carla Abellana ang main leading lady ni ER, at sa totoo lang, first time pa lang naming napanood ang anak na yan ng dating sikat na aktor na si Rey “PJ” Abellana. Wow, ang ganda pala n’ya. Virginal na virginal pa ang kan- yang beauty. Contrast na contrast ang beauty nila ni Jaycee Parker na mukhang pala- ban talaga sa sex ang role bilang kerida ni Asiong na isang takilyera sa sinehan. Marunong naman palang umarte sina Carla at Jaycee.

Ang kulang sa pelikula ay backgrounder kung bakit parang pinili ni Asiong na maging gangster gayung ipinakita rin naman sa istorya na may kapatid siyang pulis (na magi -ting na ginampanan ni Philip Salvador) at parang disente naman ang kanyang mga ma- gulang at tutol sa pagbubuhay gangster n’ya. Supposedly ay may gumanap na batang A- siong, yung anak ni ER sa tunay na buhay na si Jericho, pero hindi namin matandaan ang flashback scenes na yon. (Sa bandang huli lang pinakita Dhan. – Ed)

Sibling rivalry ba ang dahilan kaya naging gangster si Asiong? Posible kasing kaya siya nagpaka-gangster na lang eh dahil nga nagpulis ang nakatatanda nyang kapatid? Pero dapat in-imply man lang yon sa dialog nung magulang nila, halimbawa, ay sa pagsasabing “Ba’t di mo tularan ang kuya mo na matinung-matino?” Sa tunay na buhay, may sibling rivalry na bale ang magulang talaga ang nagpasimula dahil pinagkukumpa- ra nila ang mga anak nila sa pamamagitan ng pagpuri sa isa at pamimintas naman sa isa pang anak. Ganu’n magsimula ang inggitan at ngitngitan sa mga anak. (Oo nga pala, ni hindi man lang in-imply sa script ng pelikula kung anong hanapbuhay ng mga magulang ni Asiong.)

Ang isa pang kakulangan ng script ng pelikula (na gawa nina Roy Iglesias at Rey Ventura) ay yung misteryosong papel ni Jay Manalo bilang mayor ng preso (meaning, isa rin siyang bilanggo pero may kapangyarihan). Hindi malinaw kung bakit napakatin -di ng pagmamalasakit niya kay Asiong–at di naman in-imply na may sexual relation- ship sila (na uso umano sa preso, maski na di naman sila mga bading). Yung character ni Jay ang gumawa ng paraan para makatakas si Asiong, at siya pa rin ang gumawa ng paraan para maging parulado si Asiong nung mahuli ito at makulong uli. Kahit na nasa preso, may impluwensya yung character ni Jay sa loob at labas ng bili -bid. Pati nga mga pulis sa preso, sumusunod sa utos n’ya. In love ba ang mayor sa guwapitong Asiong Salonga?

Pero marami rin namang strengths ang script ng pelikula kaugnay ng pagpapakita ng buhay ng mga Pinoy nung 1940s. Nadiskubre naming noon pa man ay may ugnayan na ang mga pulitiko at ang mga gangster. Sinasadya ng mga pulitiko si Asiong para ipangampanya sila. Malamang na ang mga gangster ang bumubuo ng mga unang private army ng mga pulitiko sa bansa.

Natuwa kami ru’n sa eksenang may magandang babaeng nagbibilot (rolling) ng tabako habang nagpupulong ang mga gangster na kalaban ni Asiong. May tobacco-rolling stand talaga siya. Sa isang restoran yata ang setting ng eksenang yon at totoo namang sa ilang restoran noon sa Maynila na pang-may kaya, may cigarette-rolling stand at may magandang babaeng tagabilot ng tabako.

Deserved naman ng Manila Kingpin: Asiong Salonga ang 11 awards na natanggap nito, at malamang nga na maraming nominasyon itong matatanggap mula sa award-giving bodies. Okey lang na nagwagi si John Regala na best supporting actor pero para sa amin mas deserving si Baron Geisler, dahil may kontrol siya sa acting n’ya samanta- lang si John ay may tendency na mag-over acting.

Sa thanksgiving blowout nga pala ng Manila Kingpin, sinabi ni Governor E.R. Ejerci- to na baka pumayag na rin si Direk Tikoy na ibalik ang pangalan n’ya bilang direktor ng pelikula. Ayon naman sa prodyuser na si Mylene Enriquez, pwede namang pag-usapan nila ang pagkakaroon ni Direk Tikoy ng director’s cut. Eh hindi naman daw kasi nagko-communicate sa kanya si Direk. In fact, sa demanda nito sa Intellectual Property Office, si Mylene lang ang respondent. Hindi rin daw dumating ito sa hearing at ang abugado lang n’ya ang kanyang ipinadala.

Actually, ayon mismo kay Direk Tikoy nung mag-guest siya sa “Ikaw Na” segment ng Bandila newscast ng ABS-CBN, two minutes and 30 seconds lang naman ang napalitan sa orihinal n’yang pelikula na one hour and 45 minutes ang haba. Pero para sa kanya, violation na yon ng creative freedom at creative integrity n’ya bilang direktor.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply