Mailap ang batas sa korap

ANG korapsiyon sa mga local government unit, ahensya at government owned and controlled corporation  ay tila, wala nang katapusan.

Nakahihiyang sabihin at tawagin na inutil ang gobyerno sa pagsugpo sa lumalalang katiwalian, pero iyan ang buhay na katotohanan.

Ang nakaraang mga Pangulo ng bansa ay nagdeklara ng ‘giyera’  laban sa mga magnanakaw na opisyal at kawani ng gobyerno.

Pero ang malungkot na katotohanan – wala kahit isa sa kanila ang nagtagumpay para masawata ang problemang korapsiyon.

Walang resulta ang kanilang pahayag na kampanya. Yun bang makita sana natin si ‘Mando Rugas’ na hinihimasa ang rehas na bakal.

Sa kasaysayan, walang matandaan ang Chokepoint na nakulong na gobernador, mayor, kongresista at iba pa  dahil sa katiwalian.

Ito’y dahil pati husgado na nagsasagawa ng paglilitis at dapat maggawad ng kaparusahan sa mga korap ay nakokorap din.

Kumbaga, naging bahagi na ito sa sistema ng tinatawag na ‘lagayan’ para paboran ang resulta ng paglilitis ang nag-o-offer ng suhol.

Eh, sino naman ang ‘can afford’ na manuhol sa mga huwes kundi ang mga tiwali na eksperto sa pagnanakaw sa kaban ng bayan?

Sa bayan ni Juan, kawawa ang mga walang pera – sa kamay ng husgado – dahil ang pinapaboran ay yaong mga may pansuhol.

Ang kahunghangan sa husgado ang dahilan kaya mailap ang batas sa mga korap sa LGUs, korporasyon at opisina ng pamahalaan.

Panahon na para mabura ang korapsiyon sa bansa na tanggap naman nating lahat na dahilan kaya ‘di umaangat ang Pinas.

Nakatutuwang ang Pangulong Noynoy Aquino ay ginawang prayoridad ng kanyang administrasyon ang paglaban sa katiwalian.

Dahil, batid ni PNoy na ang naghaharing katiwalian sa Pinas ang rason kaya napakaraming Juan at Maria na naghihikahos.

At ‘di rin makakaila sa Pangulo ang nangyayaring ka-tarantaduhan sa husgado kung kaya’t matigas na nila-labanan niya ito.

Para magtagumpay si PNoy sa kanyang corruption campaign, siguro;y kailangang may makulong na mga mandurugas sa gobyerno, kahit sino pa ang mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply