Major reshuffle sa NBI ipapatupad

INIHAYAG ni Justice Secretary Leila de Lima na magkakaroon ng malawakang balasahan sa National Bureau of Investigation (NBI) sa sandaling may maupong kapalit ni dating NBI Director Magtanggol Gatdula.

Ayon kay de Lima, marami pang matataas na opsiyal ng ahensya ang masasagasaan sa ipapatupad malawakang balasahan.

Kasunod ng pagpapatalsik sa puwesto kay Gatdula ay natuklasan naman ng DOJ ang umanoy nagkalat na private army sa loob ng ahensya kung saan ikinagulat ng kalihim ang iligal na operasyon ng tinatayang 300 miyembro ng confidential volunteers.

Tiniyak naman ng kalihim na kaniyang kakanselahin ang mga mission order ng daan-daang confidential volunteers upang hindi na ito magamit pa sa anumang katiwalian ng ahensya.

Kahapon (Enero 23) ay nagtalaga muna ang kalihim ng officer-in-charge ng NBI habang hindi pa nagtatalaga si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino ng kapalit ng sinibak na si Gatdula.

Sinabi ni de Lima na gagawa pa sila ng shortlist na isusumite sa Malakanyang upang pagpilian ni PNoy.

Kaugnay nito, sinabi pa ng kalihim na mabibigyan pa rin naman ng tsansa si Gatdula na maidepensa ang kanyang sarili sa mga gagawing preliminary investigation at administrative proceedings upang malinis nito ang kanyang pangalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply