Makulay ang buhay ni Jose Manalo

ILANG taon na rin ang nakararaan ng aming masubaybayan ang showbiz career nitong si Jose Manalo. Nag-umpisa siya sa pa-extra-extra sa iba’t ibang mga teevee show hanggang mapansin sya ng T.A.P.E Production at nabigyan ng pagkakataon na maging semi- regular sa ‘Valiente’ kung saan talaga namang nakilala siya nang husto.

Naging kaliwa’t kanan ang kanyang naging trabaho. Nandyang kahit busy siya sa mga taping ay nakukuha pa n’yang tumanggap ng live shows tulad ng mga piyesta sa mga lalawigan.

Ito ang naging pasaporte ni Jose kung kaya’t mabilis itong nakilala dahil walang nakaaalam na isa pa siyang mahusay na mang-aawit kahit ba sabihin pa nating isa siyang mahusay na komedyante.

Nang maging regular naman sya sa Eat Bulaga, dun nag-umpisang lumaki ang kanyang pangalan sa showbiz. Kumbaga, pwede na talaga siyang pagtiwalaan para sa isang show. Maraming pinagdaanan itong si Jose. Hindi ba’t naging mainit o naging usap-usapan pa kung saan ang kanyang asawa ay na sadlak sa scam at ito ang siyang naging dahilan ng ilang buwan din nyang pagkawala sa Eat Bulaga.

Matagal din siyang nagtiis at binuno niya ang sakit sa kanyang dibdib dahil pamilya na niya ang nadadamay at dito nagugat ang magkabilang haka-haka na nakapagtayo siya ng ilang mga business na kanya namang totoong pinag-ipunan ng ilang taong pamamalagi sa programa nina Joey, Vic at Tito ang.

Nalaman namin na kahit pala sya sikat ay nagmistula rin pala itong parang nag-uumpisa pa lang dahil ang lahat ng kanyang mga naipon ay nawaldas din gawa ng kanyang ugaling maluwag sa pagtulong sa kanyang kapwa. Kung tutuusin ay hindi naman naging kuripot si Jose dahil likas sa kanya na kapag meron dumadaing ay agaran nya itong tinutulungan, kaya ayun walang natira sa mga naipon niya.

***

KAHAPON (January 16), inabangan ng mga Susan Roces Fanatics ang kanyang bagong TV Drama ang “Walang Hanggan.” Talagang walang kakupas-kupas ang totoong Reyna Ng Drama. Bakit nga ba hindi na lang natin siya tawaging isang Superstar ngayong wala na namang ningning ang career ng isang Nora Aunor. Hindi ba tulad ni Susan na mapa-pelikula o telebisyon ay walang pedeng lumampaso sa kanya pagdating sa larangan ng pag-arte.

Nang makausap nga namin si Susan sa presscon ng bagong drama-antology niya sa Dos, kanyang nabanggit na mas naging especial ang Walang Hanggan para sa kanila ni Helen Gamboa dahil sa itinagal-tagal nila sa industriya, ito ang kauna-unahang pagkakataong magkakatrabaho sila. “Isipin n’yo, kinailangan pa naming maghintay nang ganito katagal bago kami nagkasama,” say ng reyna. At bukod naman sa pagbabalik telebisyon ni Helen, buong pagmamalaking ibinahagi ni Susan ang magandang kuwentong handog nila sa mga TV viewers.

Ani ni Susan, “Sa ganda ng istorya, nahirapan akong tanggihan. Siguradong makaka-relate ang mga manonood sa iba’t ibang love story ng mga characters.”

Ang nasabing bagong drama-antology ay binubuo ng mga matitinik na artista tulad nina Rita Avila, Melissa Ricks, Joem Bascon, Paulo Avelino at syempre, di mawawala ang mga powerhouse cast na sina Eddie Gutierrez, Joel Torre at Coco Martin. Ang Walang Hanggan ay nasa pamamahala nina direktor Jerry Lopez Sineneng at Trina Dayrit para sa ABS CBN.

***

Si Eboy, siya yung kakambal ni Bangis

NAG-UMPISA si Bobby Jerome Co na ngayon ay kilala sa pangalang Eboy. Naging contract artists siya ng Baying Promotion na pag-aari ni Avelino ‘Baying’ Decena. Nakita si Eboy sa mga ginawa nyang TV commercials tulad ng Manila Bulletin (print add), naging lead sya sa Commercial ng Milo at nagkasunud-sunod na ang Lactum, KFC, Jollibee (print add) at kinuha rin siya bilang endorser ng mga politicians.

Dito gumanda ang career ni Eboy at kinuha siya para maging bida sa Bangis kung saan gumanap siyang merong kakambal na buwaya.

At habang patuloy siyang nagta-taping ng kanyang regular show ay nakukuha pa rin niyang lumabas sa ilang teevee shows tulad ng Midnight DJ, Untold Story ng TV5 Real Confession,”Sa Ngalan Busabos,’ ‘Bitag,’ ‘Regal Shocker’ at abangan din si Eboy sa Felina na bagong drama series. Ngayon lang kami naniniwala na kahit hindi mo hanapin ang suwerte kung talagang sayo, kusa itong lalapit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply