Makulit na anak, pinatahimik ng tatay

PATAY agad ang 26-anyos na binata matapos undayan ng saksak ng kanyang sariling ama makaraang makulitan sa una sa sobrang kalasingan sa La Union.

Dead on arrival sa La Union Medical Center si Elaison Fonbuena, 26, ng Barangay Poblacion, Aringay, nasabing lalawigan.

Agad namang sumuko sa awtoridad ang suspek na si Elemer Fonbuena, 59, ama ng biktima, ng nasabing lugar.

Ayon sa Aringay Municipal Police Station, nakulitan ang ama sa anak at sa mga barkada nito na kanyang nadatnang nag-iinuman sa kanilang bahay at sobrang ingay na nakakabulabog na sa ina ng biktima na kagagaling lamang sa pagamutan dahil sa karamdaman.

Dahil dito, nagsimula ang mainitang pagtatalo ng dalawa hanggang sa tinangkang saktan ng lasing na anak ang sarili nitong ama.

Pero nang mahagip ng suspek ang isang kutsilyo ay agad niyang sinaksak sa tagiliran ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply