Malakanyang ipinaubaya si GMA sa COMELEC

IPINAUUBAYA na ng Malakanyang sa Commission on Election (COMELEC) ang desisyon sa pagtulak na mailipat sa detention cell si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang COMELEC na ang bahala sa mga gagawing hakbang sa pagkasa ng reklamo sa Pasay Regional Trial Court (RTC).

Ayon kay Valte, kailangan lang makuha ang records para may makapagsalita sa kampo ni Ginang Arroyo at magpaliwanag sa tunay na estado ng dating lider.

Muli namang iginiit ni Valte na kailangan ding konsiderahin ang sitwasyon ni GMA dahil babae ito.

Gayunman, may lumabas na ulat na sinabi na ng mga doktor ng VMMC na maayos na ang lagay nito.

Sa kasalukuyan si Gng. Arroyo ay naka-hospital arrest sa Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply