Malakanyang kay Gatdula: ‘Walang umaapi sa iyo’

“WALANG umaapi sa iyo!”

Ito ang pahayag ng Malakanyang sa waring ipinalalabas ni dating NBI Dir. Magtanggol Gatdula na personal ang dahilan ng pagkakasibak sa kanya sa pwesto.

Una nang umalma si Gatdula dahil mistulang idinaan aniya sa “kangaroo court” ang paghusga sa kanya at inaapi rin siya ni Justice Sec. Leila de Lima.

Bilang pag-alma, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na hindi magagawa ni De Lima ang alegasyon ni Gatdula dahil dumaan sa tamang proseso ang imbestigasyon sa kaso ng opisyal.

Ayon kay Valte, nauunawaan nila ang sentimiyento ni Gatdula pero hindi na siya puwedeng manungkulan dahil nasira na ang tiwala ng appointing authority.

Nilinaw rin ni Valte na ibang kaso ang kinakaharap ni Gatdula kumpara kina DILG Undersecretary Rico Puno at LTO chief Virgie Torres.

Ito ay matapos namang marami ang kumuwestyon sa mabilis na pagkakasibak kay Gatdula habang nananatili pa rin sa puwesto sina Usec. Puno na sumablay sa Manila hostage crisis at Asec. Torres na nasangkot din sa kontrobersya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply