Malakanyang nakikiramay sa pamilya ni Cong. Iggy Arroyo

NAKISIMPATIYA ang Malakanyang sa pamilya ng pumanaw na si Negros Occidental 5th District Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo.

Pumanaw si Cong. Iggy Arroyo sa London kaninang 12:00 ng tanghali (petsa sa Pilipinas).

Mismong si dating Unang Ginoo Jose Miguel “Atty. Mike” Arroyo ang kumumpirma na binawian ng buhay ang kapatid na si Iggy dahil sa liver cancer matapos ang ilang buwan na pamamalagi ng mambabatas sa London para magpagamot.

Nanawagan naman si Atty. Romulo Macalintal, abogado ng dating unang ginoo na ipagdasal na lang ang kaluluwa ni Rep. Iggy.

Si Rep. Iggy Arroyo ay naging kontrobersiyal makaraang dalawang beses na isalba ang kapatid na si Mike upang hindi madiin sa “Jose Pidal” account at chopper scandal.

Ang Jose Pidal account ay sinasabing pag-aari ng dating first gentleman subalit inako ni Iggy ang account, na sinasabing galing sa jueteng payola.

Nitong nakaraang 2011 lang ay muling ipinagtanggol ni Rep. Iggy ang kapatid nang masangkot sa pagbebenta ng mga lumang chopper sa PNP.

Sinasabing ang mga chopper na pag-aari diumano ni dating FG Arroyo ay luma pero ibinenta sa PNP sa halagang bago.

Hindi na nakadalo si Rep. Iggy sa imbestigasyon na isinagawa ng Senate blue ribbon committee noon dahil nagpapagamot ito sa London.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply