Malalakas na aftershock ibinabala ng Phivolcs

NAGBABALA ang mga seismologist ng pamahalaan sa posibleng malalakas na aftershocks mula sa naganap na lindol noong Martes sa Surigao  sa Mindanao na umabot ng 5.3 magnitude .

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang lindol ay naitala ng 6:34 pm at tectonic ang pinagmulan.

Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ay nasa walong kilometro northeast ng Barogo, Surigao del Sur. Naramdaman din ang nasabing lindol sa lakas na Intensity 1 sa Bislig City.

Kahit umano walang nasira sa naganap na lindol, pinaalalahanan pa rin ang mga residente na maging handa sa posibleng aftershock.

Nasukat ng United States Geological Survey ang lindol sa magnitude 5.2  at nakita ang epicenter 75 km east-southeast ng Butuan, 148 km south-southeast ng Surigao at 869 km southeast ng Maynila. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply