Malayo ma’y malapit din (3)

MULA sa Malaysia ay nagawa na ilapit at ipakilala ng Pinay na si Amelita Ruiz ang kulturang Pinoy sa kanyang mga dayuhang amo.

Isang malaking bagay ang ipinagkaloob ng mag-asawang Tsino na pinaglilingkuran ni Amelita nang siya ay pagkatiwalaan ng mga ito sa maraming bagay at aspeto gaya ng paghahanda ng kanilang pagkain at ang pagturing sa kanya bilang isang kapamilya sa halip na kasambahay.

Mula sa  tiwalang ipinagkaloob ng mga ito sa kanya ay nagawa niyang ipakilala ang kulturang Pinoy kabilang na ang katapangan.

Kilala ang mga Filipino sa pagkakaroon ng napakaraming magagandang katangian na kinikilala at hinahangaan ng maraming bansa.

Hinangaan tayo sa katalinuhang ipinamalas ni Jose Rizal at maging sa katapangang kanyang ipinakita nang harapin niya ang kamatayan para sa bayan. Naging bantog din ang isa nating bayani na si Andres Bonifacio sa lakas ng loob na kanyang ibinigay nang pangunahan niya ang isang paghihimagsik laban sa mga mananakop.

Maituturing na isang modernong bayani ng bansa si Amelita, hindi lamang bilang isang OFW, kundi dahil na rin sa kanyang katapangang ipinakita ng minsang malagay sa panganib ang buhay ng anak ng kanyang amo sa Malaysia. Nangyari iyon nang minsang papauwi sila galing eskuwelahan at may nagtangkang kumidnap sa batang kanyang inaalagaan.

Araw-araw inihahatid at sinusundo ni Amelita ang mga anak ng kanyang amo sa paaralan kaya para sa kanya ay isang normal na araw lamang ang mangyayari ng araw na iyon – ang routine na kanyang ginagawa sa loob ng halos labing pitong taong pananatili sa nasabing bansa. Hindi niya inaasahan na ang araw na iyon ay isa sa mga araw na hinding-hindi niya malilimutan sapagkat hindi lamang ang buhay ng batang kanyang inaalagaan ang nalagay sa panganib kundi maging ang kan-ya ring sariling buhay.

“Everyday hinahatid ko yan sa school. Malapit lang kasi e. Nag-celebrate ng birthday yung kambal, tapos ayun, paglabas namin noon, may nagtanong ng “ito ba ang bahay ng amo mo?” Sabi ng alaga ko, oo tatay ko yan. So tinanggap namin yung regalong bulaklak, at wala kaming pakialam, lumakad na lang kami sa school. Pagdating namin galing sa school, bumalik yung dalawang tao, nagtatanong ng direksyon papunta sa kung saan. Di binigyan ko ng direksyon. Ayun na, inaagaw na nila ang bata.” salaysay ni Amelita. (Itutuloy)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply