Malayo ma’y malapit din (4)

SA KABILA ng takot at panganib na maging ang kanyang buhay ay maaring malagay sa panganib ay hindi pa rin nawala sa tamang diskarte si Amelita Ruiz laban sa kidnappers ng anak ng mga amo niya sa Malaysia.

“Umaagaw rin ako. Naghilahan kami kasi, may sasakyan e. Yung sasakyan is continously moving, di ba? So nahila ako, naano ako sa kalsada. Nagulat ako, kasi bigla lang hinila e di hinila ko rin,” kwento pa niya.

Sa kabila ng panlalaban, ay nagawa pa ring makuha ng mga masasamang loob ang batang inaalagaan ni Amelita.

“Pagkatapos nun wala, balik ako sa bahay. Takbo ako, iyak ng iyak. Sabi ko, sigaw ako nang sigaw na tulong. Kasi tulong nga at help pareho lang dito sa atin.

“Tapos, ayun, nag-doorbell ako, tapos iyak nang iyak ako.

“Tapos sabi ng mga kasama ko, “Anong nangyari, anong nang-yari?”

Sinabi ko nalang…“si Chinkiong”…Hindi na ako makapag-salita e. Si Chinkiong kinuha ng dalawang tao,” muling salaysay niya.

Agad na nagsumbong sa mga awtoridad ang amo ni Amelita nang malaman ang pangyayari.

At dahil na rin sa tulong ng mga impormasyong ipinahayag ni Amelita tungkol sa detalye ng krimen at maging sa kanyang masusing paglalarawan sa mga maysala ay nakilala ang mga ito.

Natandaan rin niya ang plate number ng sasakyang ginamit ng mga kidnapper at naging malaking tulong iyon upang kanilang ma-rescue at mabawi ang batang si Chinkiong.

Sa pagtutulungan ng mga awtoridad at ni Amelita ay nabawi at nailigtas ang bata mula sa panganib.

Sa ginawang ito ni Amelita ay higit niyang pinatunayan na siya ay karapat-dapat sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng amo.

Ipinakita niyang siya ay maaasahan, matapang at kayang humarap sa kahit anong panganib kahit pa pati buhay niya ay maaring maging kapalit.

Muli niyang nailapit at naipakilala ang lahing Filipino sa isang dayuhang bansa, at ito ay kanyang ipinakita hindi lamang sa isip at sa puso – kung hindi maging sa kilos at sa gawa.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kaba-bayang overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Face-book fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply