Malayo ma’y malapit din (2)

NAGLINGKOD si Amelita sa isang pamilya ng Intsik sa nasabing bansa at dahil sa galing sa pakikiangkop at pakikisalamuha sa kapwa at sa likas na sipag niya ay naging mabait at kinagiliwan siya ng mga ito.

Pinagkatiwalaan siya ng mga ito sa maraming bagay kabilang na ang paghahatid-sundo sa anak ng mga ito sa paaralan.

Pinaturuan din siya ng mga ito na mag-drive ng sasakyan.

“Mababait ang mga amo ko tapos parang tinrato na nga nila ako na kamag-anak.

“Pinag-aral pa nga nila ako na magmaneho, ako na ang tagasundo ng alaga ko at taga hatid. ‘Yung Vios ang gamit ko,” dagdag pang salaysay niya.

Isa rin sa mga pribilehiyong naibigay kay Amelita ay ang makapagluto siya at

maipatikim sa mga amo niya ang mga lutuing Pinoy kung saan ay naibabahagi niya hindi

lamang ang panlasang Filipino kundi maging ang ating kultura.

Sa kasalukuyan ay halos labing-pitong taon nang naninirahan at nagtatrabaho sa

Malaysia ang ating kababayang si Amelita.

Para sa kanya ay magaan ang buhay sa bansang napili niyang puntahan.

Sa kabila ng distansya at layo ng kanyang kinaroroonan ay nadarama pa rin niya

ang kanyang pagiging Pinoy.

Naibabahagi at naipakikilala niya ang lahing Filipino, kabilang na ang ating mga katangian at kultura, sa pamamagitan ng kanyang pananatili roon.

Sa mga bagay na iyon ay nagawa niyang gawing malapit ang isang bagay na malayo.

Kanyang pinatunayan na ang pagiging isang Pinoy ay hindi nasusukat sa kung saang bansa ka naroroon.

Ito ay nasa puso.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayang overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply