Maliit na buwaya vs marami at malalaking buwaya

MAGANDANG makulong ang lahat ng mga buwaya o korap sa gobyerno para naman matigil na ang panlalapa nila sa kaban ng bayan.

Akalain mo, matagal na sana tayong maunlad na bansa kung walang buwaya.

Sa mga mauunlad na bansa, ipinagmamalaki nila ang hindi pagturing na santo ng kanilang mga buwaya. Kung nagkakasala ang mga ito, ikinukulong sila.

Sa mga bansa namang katulad ng Tsina at Biyetnam, hindi lang ikinukulong ang mga buwaya. Binibitay sila sa firing iskwad o sa lason na katulad ng mga ipinambitay sa lahi ni Juan na sangkot sa droga.

Kaya maunlad din ang mga Tsino at Biyetnames.

oOo

Eh sa repablik ni Juan?

Meron din namang ikinukulong, pero walang binibitay.

Bakit? Diyan sa pagkukulong, bagama’t oki, weder-weder lang.

Pero sadyang binura ang parusang bitay dahil baka maubos ang mga buwaya.

Eh sino ba ang mga buwaya?

oOo

Dito sa kaso ni Corona, maraming buwaya ang may gustong makulong siya, ‘yung mga buwayang mas malalaki pa yata kay Corona.

Bakit mas malalaki?

Aba, sino-sino ang mga may pork barrel na P70 milyon at P200 milyon taon-taon?

Ipagpalagay nating sa huling araw ay mapatutunayang buwaya nga si Corona.

Ngunit magkano ang nilapa nito kumpara sa ibang mga buwaya?

Batay sa 284 na nasa Kamara at 24 sa Senado na may pork barrel, may P23 bilyong nilalapa ang mga ito, bukod pa ang mga nasa Palasyo na may malalaki ring pork barrel.

Dapat makulong ang lahat ng ito, hindi lang si Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply