Malisyosong hinala kay Drilon kinontra ng prosekusyon

IGINIIT ng prosekusyon na huwag nang gawing isyu ang pagtatanong ng mga senator-judges ng Impeachment Court sa mga testigong kanilang inihaharap.

Ipinaliwanag ni Aurora Rep. Sonny Angara, na hindi dapat bigyan ng malisya ang patuloy na pagtatanong ng mga senador sa testigo dahil iisa lamang aniya ang kanilang layunin ang lumutang ang katotohanan.

Ang mahalaga ayon kay Angara ay nasagot at nakuha ang dapat na mangyari sa paglilitis.

Samantala, sinalag naman ni Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares, isa sa mga 11–man prosecutor team ang pag-atake kay Sen. Franklin Drilon.

Nagbabala ang mambabatas na ang mga ganitong malisyosong hinala ay isang mapanganib na akusasyon laban sa Impeachment Court upang makumbinsi ang Korte Suprema na mag-isyu ng temporary restraining order.

“The Clerk of Court was subpoenaed by the Senate to bring Chief Justice Corona’s SALN. Sen. Drilon merely asked if she brought with her the SALN.  Was that unreasonable or biased? It was not.” pagtatanong pa ni Colmenares.

Giit pa nito na tila nais palabasin ng depensa na kumakampi na ang Impeachment Court sa prosekusyon.

“The accusation is not only malicious but a dangerous declaration as it could lead to a Supreme Court intervention in the impeachment proceedings. This could lead into turmoil. This attack on Drilon is below-the-belt and only paves the way for CJ Corona to escape accountability.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply