Mama Alfie Lorenzo binarat nina Perci Intalan at Peachy Chaka

KALUKRING naman talaga itong sina Perci Intalan at Peachy Something. Nag-effort pa kuno ang mga chakitang ito na  magbigay ng birthday gift courtesy of TV 5 kay Mama Alfie Lorenzo pag bukas ng sikat at respetadong veteran columnist/talent manager ng kanilang regalo na nakalagay pa mandin sa malaking envelope, I love you ang nakalagay run. Meaning 3K ang pakimkim sa birthday celebrant ng Kapatid network.

Ano ini? Akala ba namin ay milyones at bilyones kayong magbayad ng pina-pirate ninyong artista dahil trillionaire ang amo nyo’ng si MVP. Pero bakit pagdating sa pag- bibigay ng regalo ay ang barat-barat nyo. Ho’y mahiya naman kayo, no? Itinuturing na icon sa entertainment industry itong si Mama Alfie tapos barya lang ang give nyo? Oo, hindi na importante siguro sa kanya ang materyal na bagay dahil meron na siya niyan. Pero ang hindi maganda, itinuturing na icon sa Entertainment industry ‘yung tao tapos ili-level nyo lang sa mga starlet?

We heard na ‘yung ka-close ni Mama Alfie na very influential politician-businessman from the South ay touching ang amount na iniregalo at maliit na ‘yung 20K na tinatanggap nito sa iba pang malalapit sa kanya kabilang na si Tita Daisy Romualdez. Naku! You need to make an apology Perci at Peachy. Dapat matuto kayong rumespeto no! Saka ‘yang birthday gift n’yo kay Mama Alfie ay give lang niya ‘yan sa mga reporter na close sa kanya with matching eat pa ng buffet sa 3 star Hotel na tinutuluyan nito almost a year na riyan sa Manila.

Intiendes gyud mga pangitelyas?

o0o

Empress, Ejay atbp sa ‘Mundo Man Ay Magunaw’

KANINANG 11:30 ng tanghali, napanood ang unang episode ng pinakabagong de-kalibreng teleseryeng “Mundo Man Ay Magunaw.” Ito ang kauna-unahang locally produced drama ng ABS-CBN sa noontime slot.

Maituturing na isang ‘casting coup’ ang nasabing teleserye dahil sa bago at kapana-panabik na bagong kombinasyon ng mga artista. Ito ay pagsasamahan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na batang aktor at premyadong artista ng bansa kabilang sina Empress, Nikki Gil, Ejay Falcon, Sylvia Sanchez, Allan Paule, Pinky Amador, Jason Gainza, Dianne Medina, Alex Castro, Tessie Tomas at Eula Valdes.

Ayon sa mahusay na aktres na si Ms. Eula, marami ang makare-relate sa kuwento ng kanilang bagong show, lalo na ang mga ina. Aniya, “Ang karakter ko dito ay isang mapagmahal na ina na handang gawin ang lahat para makasama ang mga anak niya.”

Masaya naman si Empress sa panibagong pagkakataong maging bida sa isang teleserye ng ABS-CBN. Aniya, tiyak na tututukan ng TV viewers ang mga karakter ng kanilang kuwento. “Excited akong mapanood nila ito kasi ngayon lang ako gagawa ng mas mature na role.

Mabuting anak ako dito pero palaban. Kakaiba rin rito Ms. Eula dahil parang ngayon lang siya hindi kontrabida,” ani ni Empress.

Bago naman sa acting career ni Nikki ang kanyang gagampanan bilang bida-kontrabida sa karakter niyang puno ng ambisyon at naghahanap ng pagtanggap. “Ako po rito si Jennifer La Peña. Isa po akong matapang na babae na gustong mapatunayan sa lola ko na ako ang karapat-dapat na tagapagmana niya,” sabi ni Nikki.

Sundan sa nasabing soap ang kuwento ni Olivia (Valdez) at ng kanyang mga anak na sina Sheryl (Empress) at Jennifer (Nikki) at kung paano sila pinag-ugnay ng tadhana matapos ang 20 taon na pagkakawalay. Magawa kaya ng isang ina na buuin ang pamilya niyang winasak ng kasinungalingan o tuluyan na siyang susuko sa sunod-sunod na dagok ng buhay na kahaharapin niya? Sa direksyon nina Jeffrey Jeturian at Rechie Del Carmen, tutukan ang pag-ikot ng mundo nina Olivia, Sheryl at Jennifer sa Mundo Man Ay Magunaw mula Lunes hanggang Biyernes, 11:30 ng tanghali sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @abscbndotcom sa Twitter,o i-‘like’ ang facebookfanpage ng show na http://www.facebook.com/mundomanaymagunaw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply