Mamimili hinikayat gumamit ng recyclable bags

ISANG environment-friendly notice: “Save the Environment, bring your own recyclable/reusable bags.”

Ito ang makikita sa posters na ipapaskil sa mga business establishment sa Quezon City simula sa mga susunod na araw para malaman ng publiko ang kalahagahan ng pagsagip sa kalikasan sa pamamagitan ng paggamit ng recyclable bags.

Pinayagan na kasi ng Quezon City Council ang isang oridinansa na nagmamando sa lahat ng business establishments na gumamit ng recyclable plastic bags sa kanilang business transactions.

Ang hakbang o ideya ay ipinasa para maging isang batas ni Councilor Dorothy Delarmente, upang mabawasan ang paggamit ng non-biodegradable plastic ng business establishments at makabuo ng kaalaman at pagmamahal para maproteksiyunan ang kapaligiran.

Sinabi ni Delarmente na ang city council ay naatasan na magkasa ng mga paraan para mai-promote ang kapakanan ng mga constituency at isa sa mga pinakamagaling na paraan ay mabawsan ang paggamit ng plastic materials na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kapaligiran.

Problema ang mga non-biodegradable plastic bags kapag bumara sa mga waterways at drainages na nagiging dahilan ng pagbaha sa ilag lugar sa lungsod.

Sa ilalim ng bagong pamamaraan, ang lahat ng mga barangay officials at mga environmental police personnel of the environmental protection at waste management department (EPWMD) ay naatasan para hulihin ang mga lalabag sa kanilang lugar na sinasakupan.

Ang mga lalabag o hindi susunod sa ordinansa ay pagbabayarin ng P1,000 sa unang opensa habang P2,000 naman sa ikalawa at P5,000 at kasnelasyon ng kanilang business permit para sa ikatlong opensa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply