‘Mamma Mia’ tuloy ang pagtatanghal sa Pinas

BINIGO ng Bureau of Immigration (BI) ang kahilingan ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) na ipatigil ang pagtatanghal sa Pilipinas ng pamosong “Mamma Mia.”

Ayon kay Atty. Maria Antonette Bucasas-Mangrobang, tagapagsalita ng kawanihan, magpapatuloy ang pagtatanghal ng nasabing ‘musical play’ na hango sa pinasikat na kanta ng grupong ‘Abba’ matapos na kumuha ng working permits ang producer ng nasabing palabas.

Umaabot sa kabuuang P300,000 ang binayaran ng Concertus Inc. sa kawanihan para sa permisong makapagtrabaho sa bansa ang mahigit sa 50 banyagang artista.

Sinabi pa ni Mangrobang na may pagsang-ayon sa grupong Asosasyon ng Musikerong Pilipino (APM) ang pagtatanghal na sinimulan noong Martes (Enero 24) at magtatagal hanggang sa Pebrero 19 sa Cultural Center of the Philippines (CCP). Ang ticket ay mabilili sa halagang P750,000 hanggang P750.

Aminado rin ang tagapagsalita ng kawanihan na hindi maaaring magbayad ng equity ang Concertus Inc. dahil ikinokonsidera bilang isang grupo sa teatro ang mga magtatanghal.

Ginawa ni Mangrobang ang paglilinaw makaraang magtungo kahapon (Miyerkules, Enero 25) sa immigration sina Ogie Alcasid at Mitch Valdez upang himukin ang kawanihan na singilin ng kabuuang P1.8 milyon ang producer ng palabas bilang ‘equity clearance.’

Umapela naman ang Concertus Inc. sa publiko na huwag nang palakihin pa ang isyu dahil sumunod naman sila sa mga itinakdang patakaran hinggil sa pagtatanghal ng mga dayuhan sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply