Manny naiangat ang ratings ng ‘Manny Many Prizes’ sa mga kasabay na programa

BAGO matapos ang taong 2011, masayang-masaya ang lahat ng namamahala ng programang “Manny Many Prizes” dahil sa naiangat ni Rep. Manny Pacquaio ang ratings ng programa. Sabi ng source, nagna-number 1 ito sa ratings tuwing Saturday night at kung minsan naman ay pumapantay sa mga kalabang programa.

Kaya puwedeng sabihin na ang Manny Many Prizes ay lumalaban talaga nang husto sa mga kalabang shows sa dalawang higanteng network tuwing Saturday night.

Pagdating sa hosting, mailalaban na ngayon si Manny kapag game shows ang pag-uusapan. Bukod pa rito’y hinahabol na rin ng masa si Manny kapag may show siya. Punung-puno talga ang kalye ng GMA-7, ang GMA Drive, kapag may airing ang Manny Many Prizes. Bukod pa rito, ang premyo ng nanalong contestants ay on the spot na ibinibigay ang kanilang cash prizes. Dumadami pa ang premyo. Kasi, last December ay nagsimula na namang mamigay si Manny ng house and lot bilang premyo. Kapag nanoood ka ng programa, malamang di ka uuwi ng luhaan.

Mahilig magbigay ng pamasahe ang Pambansang Kamao at Representive ng Sarangani na si Manny. Nagagawa niyang mamigay ng malaking pamasahe kapag di nauwi ang jackpot prize na nagkakahalaga ng P1 million.

000

Dingdong Dantes Nako-conscious pa rin kapag kaeksena ang love niyang si Marian

INAMIN ni Dingdong Dantes sa press ngayon na kapag kaeksena niya ang girlfriend na si Marian Rivera ay nako-concious pa rin siya.

Natural naman daw ito dahil iba ang acting sa real love nilang dalawa sa isa’t isa.

Pero ang kaibahan lang, kapag laging silang magkasama sa set, pareho silang inspired umarte. Tulad nang nangyari sa mga dramatic scenes ng “Endless Love,” ang huling soap na pinagsamahan nilang dalawa.

Kapag nagsama sina Dingdong at Marian ay siguradong top rating ito. Marami pa kasing kinikilig na fans sa kanilang dalawa.

Ngayong February, magsisimula na muling mapanood ang dalawan bilang love team sa “My Beloved” na isang prime time show ng GMA-7.

000

BAGO matapos ang January 2012, magsisimula nang i-air ang isa sa nakaiintrigang soap opera na ang bida ay tatlong babae na magkakapatid sa ama, ang “Legacy.” Tampok ang mga magagaling na young actress ngayon sa bansa na sina Lovi Poe, Alessandra de Rossi at Heart Evangelista.

Naiintriga kami sa role ni Lovi rito. Dati kasi itong naka-assign kay Iza Calzado na balitang may iba raw priority project pang gagawin kaya di ginawa ang Legacy. (Lumipat na siya sa ABS-CBN Noel. That’s the latest news about her. – Ed)

Nang malaman ito ni Lovi, na isa ring award-winning actress, na-challege siya nang husto. Nabasa na rin niya ang script at gandang-ganda siya sa kanyang character. Labanan kasi ito ng tatlong babae. Iisa ang ama ng tatlo pero may iba-iba silang ina.

Bida talaga ang role ni Lovi kaya na-challenge siya nang husto dahil ngayon lang siya nabigyan ng ganitong kalaking prime time project ng network. Hamon din sa kanya ang role para patunayan niyang kaya niyang gampanan ang iba’t ibang characters na naka-assign sa kanya.

Ganyan ka-versatile si Lovi ngayon.

Kasamang mga lalaking actor sa Legacy sina Sid Lucero, Geoff Eigenmann at Mike Tan.

000

SPEAKING of Legacy, may guest performance ang mag-love team at sweet ngayong sina Dennis Trillo at Bianca King. Bale si Dennis raw ang lalabas na ama ng tatlong babae na later na gagampanan nina Lovi Poe, Alessandra de Rossi at Heart Evangelista.

Isa sa mga na-link kay Dennis sa istorya si Bianca. Magkakaanak din si Bianca sa istorya. Di lang naming alam kung sino sa tatlo.

Halata sa trailer na parang totoo ang romansahan nina Dennis at Bianca on screen. Bagay talaga ang dalawa kapag magkasama. Balitang kahit daw nasa US or Canada last Christmas season si Bianca ay may constant communication ang dalawa.

Anyway, may kanya-kanyang soap opera sina Dennis at Bianca na pawang sila ang bida. Si Dennis ay tampok sa “Biritera” na kapartner ni Glaiza de Castro. Samanta, si Bianca ay may afternoon soap na “Broken Vow” na tampok din sina Luis Allandy at Gabby Eigenmann.

000

MALAKING pahulaan pa rin sa “Kokak” kung kanino mapupunta ang pagmamahal ni Sarah Lahbati. Sa ngayon ay nagpapaligsahan sa pagmamahal nila kay Kara (Sarah) sina JC Tiuseco at TJ Trinidad.

Halos mabaliw na ngayon si TJ kay Kara pero sa susunod na flow ng kwento ay may di magandang mangyayari sa lalaki. Dito masasambit ni Kara na mahal din niya ang boss niya na role ni TJ.

Samantala, masama ang loob ni JC kapag naririnig niya ang pagpapahayag ni Kara ng damdamin para kay TJ.

Kasabik-sabik na ang bawat eksena ng Kokak na mapapanood pagkatapos ng Eat Bulaga.

000

IPINANGANAK sa Middlesex sa England, hindi maikakaila ang patuloy na pagsikat ng magkapatid na Phil at James Younghusband sa larangan ng sports rito sa Pilipinas. Pinay ang ina habang Briton naman ang ama ng dalawa na rati ring miyembro ng youth and reserve team ng kilalang football club sa England na Chelsea bago sila nakilala bilang mga star player ng Philippine national football team na Azkals.

Kahapon (Enero 11), sinundan ng Anggulo ang buhay nina Phil at James na napanood sa TV5 at Aksyon TV.

Kung dati’y popular lang sa mga Pinoy ang sports na basketball at boxing, sa pagpasok ng Azkals naging kadikit na ng pangalan nina Phil at James ang kasikatan ng football sa bansa.

Ngunit sa kabila ng maraming pagkakatulad, pansin pa rin sa magkapatid ang pagkakaiba sa maraming bagay. Nauna nang lumahok sa isang celebrity singing competition ang striker na si Phil at nananatiling mainit na usapan ang espesyal na pagtitinginan nila ng artistang si Angel Locsin.

Ang mahiyain naman na midfielder na si James, sa kabilang banda, ay tali pa rin sa football habang tikom sa tinatamasang tagumpay. Ayon pa sa kanya, nais niyang gamitin ang kanilang popularidad upang mas ipakilala pa ang larong football sa bansa hindi lang para sa mayayaman kundi pati na rin sa mga mga hindi nabiyayaan sa buhay.

Pinagsisikapan din ng magkapatid na itaguyod ang The Younghusband Football Academy (TYFA), isang football tutorial program na sinusubukang dalhin ng dalawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Patunay naman ng kanilang kasikatan ang kaliwa’t kanang endorsement ng dalawa. Itinalaga rin sina Phil at James bilang mga football ambassador ng AKTV, ang sports block ng TV5.

000

LALABAS na muli si Mark Anthony Fernandez sa “Munting Heredera.” Sa mga susunod na kabanata ng soap na lalong nagiging kasabik-sabik ang bawat eksena dahil sa nalalapit na ring pagtatapos ng nito sa January 27.

Ngayong week ay maaaring mag-appear na si Mark Anthony sa character na si Jacob. Sa kanyang paglabas, muling mabubuo na ang kanyang pamilya niya. Si Jennifer (Mona Louise Rey) na anak nila ni Sandra (Camille Prats) ay nasa poder na ni Lola Ana. Samantalang si Sandra ay matagal nang nasa poder nito.

Ano kaya ang mangyari sa mga pangunahing villain ng soap kapag untu-unti nang nabubuko ang kanilang masamang balakin sa pamilya ni Lola Ana?

Mayaman na muli ito dahil na-discover na kabalukyutan nina Ingrid (Boots Anson Roa) at ni Gabby Eigenmann na nagmaniobra para mawala ang kayaman nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply