Manyak, bumalik sa crime scene arestado

NAGWAKAS ang pagtatago ng isang rapist nang maaresto ng awtoridad matapos bumalik sa bayan na pinangyartihan ng krimen,  sa ulat ng Pangasinan PNP.

Three counts of rape ang kinakaharap ng suspek na kinilalalang si Salvador Ocumen, residente ng barangay Macayog, nabanggit na bayan.

Si Ocumen na kasalukuyang nakakulong sa Bureau of Jail Management and Penology-Dagupan ay nahuli sa bayan ng Mapandan, Pangasinan.

Nabatid na nakatangap ng impormasyon ang mga pulis na muling nagbalik sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang lalaki kaya agad silang nagsagawa ng operasyon, ikinahuli ng suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply