Marian Rivera hit pa rin sa TV bukod sa ‘My Beloved’ may another weekly show pa!

BANKABLE star pa rin ng GMA-7 si Marian Rivera pagkatapos ng top rating na “Amaya.” Aba! may nagtsika sa amin na bukod sa “My Beloved” nila ni Dingdong Dantes na pang-primetime soap, may niluluto na weekend show para sa kanya ang production.

Gustong samantalahin ng GMA-7 ang kasikatan pa rin ni Marian ngayon kaya bibigyan pa siya ng weekly show. Alam mo naman si Marian magaling sa live at sa comedy rin. Di lang alam namin kung ito’y another comedy na tulad ng nagsarang “Show Me Da Manny” na team up nila ni Rep. Manny Pacquiao o isang talk show cum musical dahil magaling din siyang sumayaw.

Maaaring i-launch din ang show sa first quarter of the month. Maaaring after ng My Beloved sa February ay simulan na ang weekly show ng labs ni Doble D.

000

Ellen Adarna Mas dinaig si Sam Pinto sa pahabaan ng pila

GUMAWA ng record si Ellen Adarna sa nakaraang launching sa isang mall ng FHM Mag kung saan siya ng cover ngayong January 2012.

Ayon kasi sa isang reliable source, mas dinumog nang autograph-seekers ang kanyang launching compared sa isang Kapuso star at kasama ni Ellen sa Bubblets group ng Bubble Gang na si Sam Pinto.

Very reliable ang aming source dahil nu’ng araw ng pirmahan ng fans sa cover ni Ellen, ang daming bumili ng copies ng FHM kaya pinilahan nang siya nang husto.

Bale second time na nai-cover ang dalaga ng FHM pero mas successful daw ngayon dahil sa rami nang bumili ng men’s magazine. Hindi kaya dahil sa mas sikat si Ellen ngayon compared nu’ng unang na-cover siya? Remember, maraming followers ang huling show ni Ellen, ang Survivor Philippines.

Sa Survivor, nakita ang kanyang kaseksihan kaya maraming kalalakihang “natakam” sa kanya ngayon lalo’t nag-mature na siya ngayon.

Bukod pa sa mas maganda siya ngayon dahil in love kay Filo, ang boyfriend niyang nakasama mismo sa Survivor.

000

HINDI magbabago ang pag-ibig ni Heart Evangelista kay Daniel Matsunaga kasi noong last presscon ng Legacy na ipapalabas simula ngayong Monday, very vocal si Heart sa pag-ibig niya kay Daniel. Nakita raw kasi niya kay Daniel ang lahat ng katangian ng isang lalaking hinahanap niyang makasama.

Pero hindi pa rin sila magpapakasal sa ngayon. Marami pa raw siyang gustong gawin sa kanyang sarili tulad ng pag-aaral. Gusto niyang makatapos sa kolehiyo. Maaari raw law course ito o iba pa.

Malaki raw kasi ang influence sa kanya ni Sen. Miriam Defensor nang nakasama niya sa New York. Bale na-mesmerize siya sa Senadora.
Sobrang talino para sa kanya si Sen. Miriam dahil kapag nagsasalita raw ang Senodora, kailangan pa raw niyang kumuha ng dictionary.

Pero pinuri rin siya ni Sen. Miriam dahil at so young an age ay marami na ring accomplishments si Heart.

May bagong leading mam si Heart sa Legacy, si Geoff Eigenmann.

000

SPEAKING of Legacy, di mawawala ang controversial na si Lovi Poe, ang bida rin sa soap. Alam ba ninyong di talaga sumalubong si Lovi sa rumored bf niyang si Ronald Singson nang dumating mula sa Hong Kong last Saturday.

Hindi raw sumalubong si Lovi dahil sobrang busy raw siya at hindi kaya ng sched niya. Pero pinagdidiin na sa press ni Lovi na friends lang daw talaga sila ni Ronald.

Patunay nga ng pagsasabi niyang friends lang silang dalawa iyung paggimik niya at nakikipagkilala sa ibang lalaki na gustong makipagkilala sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply