Marine park inilunsad sa Sulu

INILUNSAD ng lokal na pamahalaan ng Sulu ang isang marine park ng iba’t ibang species ng isda at magsisilbing pasyalan din sa lunsod katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa pamamagitan ng isang kasunduan, nilagdaan nina BFAR Director Atty. Asis G. Perez, 2nd District of Sulu Rep.Nur-Ana I. Sahidula at Siasi Municipal Mayor Arthur Muksan ang Memorandum of Agreement para sa gagawing pagtatayo ng Siasi Mariculture Park sa Tara Island sa Siasi, Sulu l.

Ang Tara island ay isang island cove na may white sand at malinaw na tubig at mayaman sa mga isda at iba pang seafood.

Ang mariculture park ay lalagyan ng 40 units na 4m x 4 m na kulungan ng isda kung saan nakalagay ang matataas na uri at mamahaling species ng mga isda gaya ng siganid at lapu-lapu na pwedeng palakihin pa at makapagsagawa ng iba pang sea farming activities.

Kabilang sa nakiisa ang Bantay Dagat volunteers mula sa 28 barangay ng munisipalidad ng Siasi at mga lokal at mga opisyal sa nasyonal na pamahalaan sa paglulunsad ng kauna-unahang mariculture park sa Sulu.

Mahalaga aniya ang magiging trabaho ng Bantay Dagat dahil sila ang mangangalaga sa kanilang nasasakupang katubigan laban sa mga iligal na mangingisda at  pangingisda .

Upang mas mapalakas aniya ang pagbabantay sa mga dalampasigan, magbibigay ang BFAR ng makina para sa mga bangka na ibibigay naman ng LGU sa bawat volunteer group na bantay dagat sa 28 baybaying lugar ng Siasi .

Bukas din aniya ang mariculture park para sa mga interesadong lokal na mamumuhunan matapos pormal nang isinalin ng BFAR ang park sa lokal na pamahalaan ng Siasi sa mismong lagdaan nila ng MOA.

Naglaan dito ang BFAR ng P2.4 million na pondo para sa konstruksyon ng 32 sa 40 units ng kulungan ng isda habang ang local government naman ang bahala sa sistema ng paglalagay ng floating multi-purpose hall, fish cages, cat walk at 28 patrol boats para sa  Bantay Dagat volunteers.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply