‘Mass suicide’ sa ‘Sendong’ victims itinanggi

KUMAKALAT ngayon sa text messages ang sinasabing “mass suicide” sa ilan sa mga nabiktima ng nagdaang bagyong Sendong sa Mindanao.

Ayon sa report, laman ng mga SMS na 25 matanda at 10 bata ang sabay-sabay na nagpakamatay dahil sa depresyon.

Agad naman itong itinanggi Cagayan de Oro District II Cong. Rufus Rodriguez at sinabing walang katotohanan ang mga kumakalat na text, dahil patuloy ang kanilang pagtulong sa mga nangangailangan.

Aminado ang nasabing konsehal na hindi pa siya nakakatanggap ng ganoong text message pero tiwalang malabo mangyari ang naturang “mass suicide.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply