Massive fish deaths lumutang sa S. Cotabato

TINATAYANG 49 metric tons ng isda ang natagpuang patay at palutang-lutang sa Lake Sebu sa South Cotabato.

Ayon kay Rex Vagas, provincial fishery coordinator , namatay ang mga tilapia na nagkakahalaga ng P3.8 milyon na natagpuan noong Biyernes at Lunes.

Iniuugnay ni Vagas ang pagkamatay ng mga isda sa sinasabing “annual occurrence,” o “kamahong” kung saan tumataas ang temperatura ng tubig.

“We ask consumers to avoid buying and eating Tilapia fish from Lake Sebu until further notice from us,” ayon pa kay Vargas.

Samantala, ayon naman kay Rogelio Aturdido, provincial health officer, ang pagkain ng mga patay na tilapia ay posibleng makapagdulot ng pagkasira ng tiyan at diarrhea.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply