Senator-judges inalmahan ng prosekusyon

UMALMA na ang prosecution team dahil sa  paninigaw ng ilang senator-judges sa ginaganap na impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sa Day 8 ng impeachment trial ngayong araw may apela si House Majority Leader at Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II sa Senado na huwag tratuhin na parang mga busabos ang mga kongresista.

Paliwanag pa ni Gonzales, naatasan lang naman na mag-presinta at umusig ang mga House prosecutors sa mga kaso laban kay Corona, kaya huwag naman sanang sinisigaw-sigawan ang mga ito.

Magugunitang noong nakalipas na linggo ay mistulang “sinabon” ni Senator-Judge Miriam Defensor-Santiago si House Lead Prosecutor at Iloilo Rep. Neil Tupas, Jr. nang hindi nito masabi kung ilang testigo ang kanilang ihaharap.

Samantala, hindi pa tiyak ng impeachment court kung sino ang mga ipe-presintang testigo ng prosekusyon sa pagpapatuloy ng paglilitis.

Ayon kay Impeachment Spokesperson Tina Cruz, ipagpapatuloy ng prosekusyon ang paglalantad ng kanilang mga witness.

Matatandang nagpahayag ang House prosecutors na may plano silang i-presinta ang mahigit 100 testigo laban sa punong mahistrado. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply