Mataas na presyo ng LPG sa Vis-Min pinabubusisi

PINABUBUSISI na ng isang mambabatas ang higit na mataas na presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Visayas at Mindanao.

Napag-alaman na mataas ng  P100 ang  LPG  sa Visayas at Mindanao kumpara sa presyo nito sa Metro Manila.

Ayon kay LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty ay nagkakahalaga lamang ng P700na ang 11-kilo na tangke ng LPG sa Metro Manila habang sa Cebu ay umaabot sa P820 bawat tangke.

Iginiit ni Ty na kailangang imbestigahan ang pagtaas ng LPG at kung hindi man mapigilan ng Department of Energy (DOE) ang mas mataas na presyo sa ibang lugar, ang solusyon dito ay ang pag–invest ng mas maraming player para magkaroon ng kompetisyon na magpapababa sa presyo ng nasabing produkto. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply