Matataas na armas narekober sa Davao

MATATAAS na klase ng armas at bomba ang narekober ng militar matapos ang nangyaring labanan sa Lupon, Davao Oriental.

Ang nasabing mga armas ay kinabibilanagn ng dalawang improvised explosive device, dalawang high powered firearms na kinabibilangan ng M2013 grenade launcher.

Sinabi ni Lt. Col Lyndon Panisa, tagapagsalita ng 10th ID ng Armed Forces of the Philippines, tumagal ng halos 30 minuto ang engkwentro sa pagitan ng tropa ng militar sa ilalim ni 1Lt Rodel Dagui at sa tinatayang 20 mga armadong lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Barobo, Brgy San Isidro, Lupon, Davao Oriental alas-10:30 ng umaga.

Sa kabila ng pangyayaring, ipinagpatuloy pa rin ng mga sundalo ang kanilang ilulusad na outreach program sa kabundukan.

Una nito, naitala rin ang tatlong serye ng engkwentro sa pagitan ng militar at NPA noong nakaraang taon sa nasabi ring munisipalidad ng Lupon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply