Matyagan ang Corona impeachment

BIHIRANG mangyari ang impeachment dahil sa kasaysayan, mabibilang lang sa daliri ang mga nasailalim na sa prosesong ito.

Ito’y isang paraan para isailalim sa imbestigasyon ang umaabusong opisyal ng pamahalaan – elected man ito o appointed.

Sa batas, ang Kamara at Senado ang magsisilbing mga ‘tagausig’ at ‘hukom’ na siyang magpapataw ng parusa sa ini-impeach.

Sa simpleng pakahulugan, kumbaga sila ang mga ‘sugo’ ng taumbayan para litisin ang umaabusong opisyal ng pamahalaan.

Sa korte, puwedeng litisin ang mataas na opisyal ng gobyerno para matanggal sa kasalukuyang puwesto o posisyon sa pamahalaan.

Pero may limitasyon dahil depende ito sa posisyon, gaya ng nangyaring impeachment kay dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

Mahirap dalhin ang Presidente sa korte kung ito ay nakapuwesto pa. Kaya ang ginawa ay isinailalim ito sa impeachment process.

At nang matanggal na ito sa puwesto ay saka sinampahan ng kaso sa korte na dahilan ng kanyang pagkakakulong ng ilang taon.

Sa prosesong impeachment ng mga umaabusong opisyal, ipinakikita rito ang essence ng pagiging demokratikong bansa, tulad ng Pinas.

Malaki ang role nina Juan at Maria dela Cruz sa prosesong impeachment dahil ‘di ang mga kongresista at senador ang totoong tagapaglitis.

Kaya sa isinasagawang impeachment kay Chief Justice Renato Corona, dapat ay makialam at magmatyag ang taumbayan.

Subaybayan ang isinasagawang impeachment sa Senado – manood at makinig sa live coverage sa telebisyon at radio.

Matyagan ang isinasagawang impeachment kay CJ Corona!

Col. Aceo inutil vs. vices

Bumabaha na ang reklamo laban sa mga iligal sa Batangas, pero si Senior Supt. Rosauro Aceo ay ayaw kumilos para hulihin ang mga ito.

Kukuya-kuyakoy lang si colonel sa kanyang air-conditioned office at dinededma ang mga sumbong laban sa namamayagpag na sugalan.

Kamakailan, kuwento ng ating informant, naispatan ang isang nagngangalang ‘Jay Ilagan’ sa labas ng opisina ng butihing opisyal.

Alam n’yo ba kung sino si ‘Jay Ilagan’?

Aba’y siya ang kumokontrol ng iligal na sugal na STL–con jueteng sa lalawigan.

At ang umuugong na balita sa provincial command, ipinamamalita ni ‘Ilagan’ na naglalagay siya kay colonel kaya hindi siya kinakanti.

Colonel, may katotohanan ba ang pinagsasabi ni ‘Ilagan?’

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply