May-ari ng bahay at lupa na ginawang shabu lab iimbestigahan

ISASALANG na sa masusing imbestigasyon ang may-ari ng bahay at lupa sa Ayala Alabang na inupahan at ginawang shabu lab ng mga Chinese national na nasakote sa isinagawang raid kahapon (Enero 6) sa Muntinlupa City.

Sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Jose “Sonny” Gutierrez na nasa ilalim na ng Fuerte Holdings ang naturang ari-arian at tinutunton na nila ang manager ng nasabing kumpanya.

Sinabi naman ni Muntinlupa City Chief Prosecutor Atty. Edward Togonon na depende sa isusumiteng ebidensya ng PDEA kung masasama sa makakasuhan ang may-ari ng nasabing property.

Sa kasalukuyan, inaalam na ng PDEA kung may personal knowledge ang may-ari ng may-ari ng bahay kaya nakapag-operate ng illegal drug ang mga Chinese national. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply