May kapalit na si Bela Padilla sa puso ni Jason Abalos

MAY kapalit na sina Richard Gutierrez at Bela Padilla sa puso nina Jason Abalos at Jewel Mische.

Inamin ni Jason sa “Bandila” na girlfriend na niya si Jewel at ito ang nagpadiretso ng buhay niya.

“Nandoon kami sa, siguro sa akin napaka-special niya. Sa akin wala ako sa ganitong (tamang) pag-iisip. Siya ‘yung nag-guide sa akin para gumawa ng tama at nagsilbing ilaw sa aking daanan,” deklara niya.

Bongga!

-0o0-

BABAWASAN na ni Matteo Guidicelli ang pagiging seloso niya kay Maja Salvador. Inamin niya na nahihirapan siya na nakikitang may ka-kissing scene na iba ang girlfriend niya pero ngayon ay mas iintindihin niya ito pagdating sa trabaho.

Pinili raw nila na mapunta sa field na ito kaya dapat ay malawak ang kanilang pag-iisip. Ayaw na niyang maulit muli ang nangyari sa kanila ni Coco Martin. Natuto na raw siya.

“My faith is stronger with God right now and I trust Maja. Kailangan talaga ng faith kay God and trust talaga sa partner mo, sa girlfriend mo and sa co-stars,” sey niya na magkasama ngayon sa pelikulang “My Cactus Heart” na palabas sa January 25.

Bukod dito, tinatapos din ni Matteo ang kanyang album kung saan ang plano ay may duet siya kay Sarah Geronimo at may duet din kay Martin Nievera.

Gusto ng kanyang manager na si Joji Dingdong na makilala si Matteo hindi lang magaling na actor kundi magaling ding singer.

Live siyang mapanonood sa Sabado (January 21) sa National Press Club benefit show sa Zirkoh Morato para sa concert ni Ai Ai delas Alas at kasama rin si Derek Ramsay.

Tsuk!

-0o0-

HAVEY at humahataw pa rin ang Wondergays ngayong 2012 na binubuo nina Blue (Julius Christopher Mendoza), Pink (Vhal Papa), White (Jo Saragumba), Black (Jojo Rezano), Gray (Franco Nerona) and Green (Jun Galvez).

Mainstay na sila ng programa ng TV5 na “Wow Mali” with Joey De Leon every Sunday.

At pagkatapos ng kanilang mga concerts last year, magpe-perform na rin sila sa ibang bansa. Sa Feb. 18 ay nasa Sydney Australia sila at sa Feb. 24 and 25 ay sa Melbourne, Australia.

Ang grupo ang nagpasikat ng Blind Item, na madalas patugtugin sa radio at sinasabayan na rin ng mga kabataan. Patuloy pa rin itong pinapatugtog sa Juicy sa TV5 at sa mga radio station.

“We are very happy with this opportunity. This is a dream come true for all of us, and we hope that the public enjoys our kind of music,” bulalas ni Blue.

“Our songs are fun, with a lot of gay lingo thrown in. Lahat ng kanta, kahit sino makaka-relate, especially ang mga gay people nowadays. They are humorous, danceable, nakaka-last song syndrome. Isa lang ang mellow number.” sey pa niya

The mellow number is “Hi, Hello.” Ang iba pang kanta na nasa album nila ay Pare, Ooh, Lala at Kiyeme Lang ‘Yun.

Ang Wondergays album ay prodyus ng LDG Productions and Entertainment Recording Company.

Live din silang mapapanood sa Feb 10- Red Capz Parañaque, Feb 11,2012-Fards Inasal-Imus Cavite, Feb 13 and 14-Kalsada Bar- Laguna

Co-host din sila sa radio program ni Tita Swarding sa DZRH every Sunday 3 p.m.

-0o0-

ILANG araw din kaming nawalan ng column dahil nagbakasyon muna kami sa Bangkok, Thailand kasama ang isa sa owner ng Zirkoh/Klownz na si Lito Alejandria at ang kaibigang Rommel Placente at Boy Romero pagkatapos naming mahalal sa pangalawang pagkakataon bilang Pangulo ng Philippine Movie Press Club.

Ang bumubuo ng bagong opisyales ay ang mga sumusunod: President: ROLDAN CASTRO, Vice President: ROMEL GALAPON, Secretary: JIMI ESCALA, Asst. Secretary: ADOR SALUTA, Treasurer: BOY ROMERO, Asst. Treasurer: BLESSIE CIRERA, Auditor: JOE CEZAR, P.R.O.: BETH GELENA Board of Directors: JULIE BONIFACIO, VERONICA SAMIO, LETTY CELI, ERNIE PECHO, GERRY OCAMPO, TIMMY BASIL at BENNY ANDAYA.

Sa pitak na ito gusto ko munang pasalamatan ang lahat ng mga taong sumuporta, nagtiwala at bomoto sa amin.

Makaaasa kayo na mas lalo ko pang pagbubutihin ang tungkulin na iniatang sa amin at mapanatili ang kredibilidad ng Star Awards for Movies, Music at TV.

Sa January 24 na ang aming induction kay Governor Vilma Santos.

Tsuk!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply